^

Bansa

Duterte nagmotor sa Davao City

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte nagmotor sa Davao City
Upang patunayan na walang sakit ang Pangulong Rod­rigo Duterte ay nag-selfie si Ms. Honeylet Avancena kasama ang Pangulo at anak nilang si Kitty kahapon ng umaga sa kanilang bahay sa Davao City.

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki kahapon ng Malacañang na nagmotorsiklo si Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan sa Davao City, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo sa media briefing kahapon na ikinuwento sa kanya ni Pangulong Duterte na nagawa nitong mag-motorsiklo sa loob ng kanilang subdivision sa Davao City kamakailan.

 Aniya, nasarapan sa pagmo-motorsiklo ang Pangulo kaya lumabas ito sa kanilang subdivision hanggang sa mataranta ang kanyang Presidential Security Guard.

Namataan ng mga taga-Davao ang Pangulo habang nagmomotorsiklo kaya kinunan pa umano ito ng larawan ng mga Davaoeno.

 Wika ni Panelo, patunay lamang ito na walang anumang sakit ang Pangulo dahil kaya pa nitong magpatakbo ng kanyang big bike.

 Magugunita na mahigit isang linggong walang public appearance ang Pangulo kung saan ang pinakahuli nitong event ay ang pagdalo sa National Police service anniversary sa Camp Crame noong Agosto 17.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with