El Niño task force binuhay
MANILA, Philippines — Binuhay ng Malacañang ang El Niño task force dahil sa pagtataya ng PAGASA na dadanasin ng bansa ang El Niño mula Hunyo hanggang Agosto ng taong ito.
Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum 13 nitong Agosto 13 para sa reactivation ng El Niño task force.
Binuo ang El Niño task force ng Executive Order 16 na ang pangunahing trabaho ay magmonitor sa pagpapatupad ng Comprehensive Disaster Preparedness and Rehabilitation plan para sa El Niño at La Niña.
Ang NEDA chief ang overall head ng task force habang pinuno ng food security ang DA chief, head ng water security ang DENR, head ng energy security ang DOE secretary, head ng health ang DOH chief, pinuno ng safety ang DILG secretary miyembro naman ang DOST, DND, DSWD, NDRMMC, DOLE, DTI, PCOO TESDA, NFA, NIA at PAGASA.
Direktang mag-uulat ng mga update ang pinuno ng El Niño task force kay Pangulong Duterte at Medialdea.
- Latest