^

Bansa

PAO chief inireklamo ng katiwalian sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
PAO chief inireklamo ng katiwalian sa Ombudsman
Sa manifestation na isinumite sa Ombudsman ni Atty. Wilfredo Garido, nais nilang suspendihin sa puwesto sina Acosta at Erfe dahil sa isyu ng korapsiyon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inireklamo ng ilang mga abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Ombudsman si PAO Chief Persida Acosta at forensic expert Erwin Erfe kaugnay ng umano’y anomalya sa paggamit ng pondo ng ahensiya.

Sa manifestation na isinumite sa Ombudsman ni Atty. Wilfredo Garido, nais nilang suspendihin sa puwesto sina Acosta at Erfe dahil sa isyu ng korapsiyon.

Nakasaad na alam ng mga abogado ng executive support field operation at legal research service ang daily transaction ni Acosta at mayroon din umanong loyal na accountant si Acosta na nangangasiwa sa office supplies na gagamitin sa Dengvaxia cases.

Anila, naipalabas na ang pondo para sa office supplies pero hindi umano nagamit ang pondo para rito.

Sinasabing ino-audit, nire-revise at ina-unti date ni Acosta ang purchase order, procurement form, memoranda at iba pang papeles sa PAO para magmukhang lehitimo ang diversion ng budget ng ahensiya para sa mga Dengvaxia victims.

Inakusahan din ng mga nabanggit ang paggamit umano ni Acosta sa pondo ng PAO para sa tarpaulin, t-shirt at pagsasagawa ng mga rally kaugnay ng dengvaxia case bukod pa sa ginawang workshop sa Century Park Hotel patungkol sa Dengvaxia.

Ipinauubaya naman ng Malacañang kay Acosta kung magbabakasyon muna ito matapos ireklamo ng katiwalian ng mga PAO lawyers. (Rudy Andal)

vuukle comment

PERSIDA ACOSTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with