^

Bansa

5K katao tinamaan ng dengue sa loob ng 1 linggo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
5K katao tinamaan ng dengue sa loob ng 1 linggo
Pumalo sa 5,744 dengue cases ang kanilang naitala sa bansa mula Hunyo 30-Hulyo 6 lamang na mas mataas ng 22% kumpara sa 4,703 kaso ng sakit sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Mahigit sa 5,000 ka­tao ang tinatamaan ng dengue sa loob lamang ng isang linggo, base sa datos ng Department of Health (DOH).

Kahapon, pumalo sa 5,744 dengue cases ang kanilang naitala sa bansa mula Hunyo 30-Hulyo 6 lamang na mas mataas ng 22% kumpara sa 4,703 kaso ng sakit sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Mula Enero hanggang Hulyo 6, 2019 uma­bot na sa kabuuang 115,986 ang dengue cases at nasa 491 ang nasawi. Mas mataas ito sa 336 namatay mula naman sa 62,267 kaso sa kaparehas na panahon noong 2018.

Pinakamataas ang naitalang kaso ng Dengue sa Region 6 na uma­bot na sa 5,826, sumunod ang Region 4A (12,780); Region 12 (9,572), Region 10 (9,354) at Region 7 (9,259).

Sa National Capital Region (NCR) na dating 8,603 ay bumaba naman sa 7,768 ngayong taon.

Mas maraming kaso nito ay edad 5-9 na nasa 23% ng kabuuang kaso, sumunod ang 10-14 years age group, na nasa 19%.

Lalaki ang karamihan sa tinatamaan ng sakit, 52% at 48% ang mga babae.

vuukle comment

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with