^

Bansa

Divorce Bill inihain

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Divorce Bill inihain
Sa panukala ni Sen. Risa Hontiveros, sinabi nito na tanging ang Pilipinas na lamang at Vatican City ang mga bansa sa mundo na hindi legal ang diborsiyo.

MANILA, Philippines — Inihain na kahapon sa Senado ang panukalang magkaroon ng diborsiyo sa Pilipinas. 

Sa panukala ni Sen. Risa Hontiveros, sinabi nito na tanging ang Pilipinas na lamang at Vatican City ang mga bansa sa mundo na hindi legal ang diborsiyo.

Anya, dahil walang divorce sa bansa, maraming bilang ng mga Filipino ay naghihiwalay na lamang kung saan kalimitan ay talo sa sitwasyon ang mga kababaihan.

Kabilang sa mga magiging grounds ng divorce ang psychological incapacity ng kahit sino sa mag-asawa, “irreconcilable marital differences,” marital rape at paghihiwalay ng nasa limang taon.

Ipinunto rin ni Hontiveros na sa base sa natuklasan ng Philippine Statistics Authority (PSA) nooong 2018, isa sa bawat apat na kababaihan ay nakakaranas ng karahasan.

Ang pagpasa aniya ng divorce law ay maituturing na “ultimate form” ng paglaya na maaaring ibigay sa mga kababaihan.

May katapat namang parusa na limang taong pagkabilanggo at multa na P200,000 sakaling takutin ng isang indibiduwal ang kanyang asawa para maghain ng diborsiyo.

vuukle comment

DIVORCE BILL

RISA HONTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with