^

Bansa

DOTr binasag ang alegasyong ‘lumalala ang kondisyon’ ng MRT-3

Philstar.com
DOTr binasag ang alegasyong �lumalala ang kondisyon� ng MRT-3
Ito'y kahit mahigit 800 pasahero ang pinababa kahapon sa estasyon ng Shaw Boulevard dahil sa pumalyang pintuan ng tren.
File

MANILA, Philippines — Inilinaw ng Department of Transportation na nababawasan na ang pagpalya ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 simula nang ayusin ito sa kabila ng alegasyon ni Senador Grace Poe na "lumalala ang kondisyon" ng tren.

Ito’y sagot ng DOTr sa pahayag ni Poe noong Miyerkules na dapat magpaliwanag ang ahensya kung papaano nito sosolusyonan ang mga problemang dinaranas ng mga pasahero ng tren.

“The DOTr should explain to the people how it intends to solve this to allay the fears of the passengers,” sabi ni Poe.

Kahapon lamang, mahigit 800 pasahero ang pinababa sa estasyon ng Shaw Boulevard dahil sa pumalyang pintuan ng tren na nangyayari raw tuwing may “stress" sa door components na sanhi ng pagsandal sa mga pinto o pagpilit na buksan ito, ayon sa tweet ng DOTr-MRT-3.

"'Pag hindi tumitirik, umuusok o tumutulo," sabi ni Poe sa hiwalay na pahayag ngayong araw.

Inireklamo rin ng senadora kung paanong nauubos ang oras ng mga pasahero sa pila ng tren, maliban sa siksikan.

"Nakikipagsikuhan tayo sa pagsakay. Nakakawala ng dignidad kapag naglalakad tayo sa riles. May pangamba na baka hindi tayo makarating sa paroroonan," dagdag ni Poe.

Sabi naman ng DOTr, malaki na ang ibinaba ng mga unloading incidents sa MRT-3 mula sa noo'y 333 noong 2016 mula Enero hanggang Hulyo.

Malayo raw ito "kumpara sa 14 unloading incidents lamang na naitala mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2019."

Ang 333 insidente noong 2016 ang pinakamataas na tala ng pagpalya ng MRT-3 sa loob ng anim na taon, base sa datos ng DOTr. 

Rehabilitasyon ng linya

Aminado ang DOTr na agaran ang isinasagawang pagsasaayos ng MRT-3 sa kabila ng mga nangyayaring pagpalya.

"Napakarami pong kailangang ayusin. Io-overhaul ang lahat ng 72 Light Rail Vehicles (LRVs) nito, papalitan lahat ng mainline tracks, ire-rehabilitate ang power at overhead catenary systems, ia-upgrade the signalling system, communications and CCTV systems at kukumpunihin ang lahat ng escalators and elevators," kanilang paliwanag.

Tiniyak naman nilang mararamdaman ang mga pagbabago sa linya pagdating ng Hulyo 2021, 26 na buwan mula nang magsimula ang rehabilitasyon.

Sinimulan ito ng MRT-3 noong ika-1 ng Mayo, 2019 sa muling pagbabalik ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries-TES Philippines bilang rehabilitation at maintenance provider.

Unang tumakbo ang linya taong 2000, at nakumpleto ng Sumitomo ang unang overhaul nito noong 2008.

Pinalitan sila ng Busan Universal Rail Inc. para sa ikalawang rehabilitasyon ng MRT-3, ngunit tatlo lang sa inaasahang 43 tren ang napalitan noong nagwakas ang kanilang termino noong 2017.

Sa muling pagbabalik ng Sumitomo, inaasahan ng DOTr na dadami ang mapapatakbong tren mula 15 hanggang 20, at bibilis ang takbo ng mga ito mula 30 kilometro kada oras hanggang 60 kilometro kada oras.

Nais ring bawasan ang paghihintay ng mga pasahero mula 7.5 minuto hanggang mangangalahati na sa 3-3.5 minuto. 

“Malaking bagay po na binibigyang-pansin ninyo ang mga nangyayari sa linyang ito. Pareho po tayong walang ibang hangad kundi ang mapabuti ang serbisyo nito para sa ikagiginhawa ng Pilipino,” sabi ng DOTr.

Samantala, tatagal naman ng 43 buwan ang kabuuang rehabilitasyon at pagpapanatili ng kaayusan ng MRT-3, ayon naman kay Undersecretary Timothy John Batan, sa isang ulat ng The STAR— Philstar.com intern Blanch Marie Ancla

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

GRACE POE

MRT-3

RAILWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with