^

Bansa

86% ng netizens aminadong nagoyo ng 'fake news' — survey

James Relativo - Philstar.com
86% ng netizens aminadong nagoyo ng 'fake news' � survey
Kinalap ang resulta ng taunang Ipsos survey mula sa mahigit-kumulang 25,000 internet users mula sa 25 bansa.
AFP

MANILA, Philippines — Ayon sa inilabas na pag-aaral nitong Miyerkules, aabot sa 86% ng mga nasa internet ang naloko ng pekeng balita online.

Kinalap ang resulta ng taunang Ipsos survey mula sa mahigit-kumulang 25,000 internet users mula sa 25 bansa.

Kalakhan daw ng mga naturang "fake news" ay itinuturong nanggaling mula sa Estados Unidos, na sinundan naman ng Rusya at Tsina.

Pinakalaganap daw ito sa Facebook ngunit lumalabas din sa Youtube, mga blog at Twitter, sabi ng mga mananaliksik.

Isinagawa ang  2019 CIGI-Ipsos Global Survey on Internet Security and Trust sa pamamagitan ng harapan at online na panayam ng Ipsos mula ika-21 ng Disyembre, 2018 hanggang ika-10 ng Pebrero, 2019 para sa Centre for International Governance Innovation. 

"This year's survey of global attitudes not only underscores the fragility of the internet, but also netizens' growing discomfort with social media and the power these corporations wield over their daily lives," sabi ni Fen Osler Hampson ng CIGI.

(Hindi lang ang karupukan ng internet ang binibigyang diin ng survey ngayong taon, ngunit pati na rin ang lumalaking diskuntento sa social media at kapangyarihan ng mga nasabing kumpanya sa buhay ng mga tao.)

Lumalabas sa pag-aaral na pinakamadali raw malansi ang mga taga-Ehipto habang pinakamalakas magduda sa balita ang mga Pakistani.

Nananawagan naman sa mga pamahalaan at kumpanya ng social media na maghigpit sa mga ganitong aktibidades, na labis daw nag-aambag sa kawalang-tiwala sa internet at negatibong epekto nito sa diskurso. — may mga ulat mula sa AFP

vuukle comment

FAKE NEWS

INTERNET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with