^

Bansa

Grupo inindorso si Cayetano para Speaker

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Grupo inindorso si Cayetano para Speaker
Idinagdag ng MMPL na mabisa si Cayetano bilang tulay sa pagitan ng House at ng Senado na siguradong mas mapapabilis ang pagpapatupad ng mga plano at mithiin ng administrasyon para sa ikagaganda ng bansa.
Presidential Photo/King Rodriguez

MANILA, Philippines — Isang grupo ang nagpahayag na pabor silang maging Speaker ng House of Representatives si Taguig Congressman-elect Alan Peter Cayetano.

Sinabi ng Malayang Mamamayan para sa Pagbabago ng Lipunan o MMPL, subok na ng panahon, may malawak na karanasan sa pulitika at hindi nadadawit sa anumang kontrobersiya kaya nararapat anilang maging speaker ito. 

Idiniin din nila ang naging katapatan ni Ca­yetano kay Pangulong Duterte na nabigyan ng mambabatas ng napa­kalaking boto sa Taguig sa halalan noong 2016 at sa mga kandidatong senador ng administras­yon sa halalan noong nakaraang buwan.

Bukod dito, ayon sa grupo, kahit na sa ibang bansa ay nakayanan na ipagtanggol ni Cayetano ang Presidente sa harap ng international community sa war on drugs ng gobyerno. Hinarap din niya bilang isang magi­ting na public servant ang kasong isinampa sa kanya at kay Presidente Duterte ni Atty. Jude Sabio sa international courts.

Hinarap din ng buong tapang ni Cayetano ang mga ma-impluwensyang tao at inimbistigahan at isiniwalat niya ang mga ma-anomal­yang transaksyon sa pa­mahalaan man o pri­badong sektor.

Sa larangan ng kakayanan at experience, dumaan na ito sa pagiging konsehal, vice mayor, three-time congressman, senador at kalihim ng Department of Foreign Afairs.

Idinagdag ng MMPL na mabisa si Cayetano bilang tulay sa pagitan ng House at ng Senado na siguradong mas mapapabilis ang pagpapatupad ng mga plano at mithiin ng administrasyon para sa ikagaganda ng bansa.

 

vuukle comment

CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with