^

Bansa

Sakay sa MRT-3, LRT-1 libre sa ika-12 ng Hunyo

Philstar.com
Sakay sa MRT-3, LRT-1 libre sa ika-12 ng Hunyo
Ayon sa Department of Transportation, isasagawa ito sa MRT-3 bilang pakikiisa sa "Araw ng Kasarinlan."
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng libreng sakay sa mga linya ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 at Manila Light Rail Transit System Line 1 sa susunod na Miyerkules.

Ayon sa Department of Transportation, isasagawa ito sa MRT-3 bilang pakikiisa sa "Araw ng Kasarinlan."

"Sa darating na ika-12 ng Hunyo 2019, magbibigay ng libreng sakay ang DOTr MRT-3 bilang pakikiisa ng ahensya sa paggunita ng ika-121 anibersaryo ng proklamasyon ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas," sabi ng DOTr ngayong hapon.

Aniya, walang babayaran ang mga pasaherong bibiyahe mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga, at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Magpapatupad ng kahalintulad na serbisyo ang LRT-1 sa parehong araw.

Sa panayam ng Inquirer, kinumpirma ni LRT-1 corporate communications head Rochelle Gamboa na iaalok nila ang libreng sakay sa "peak hours" ng linya ng tren.

Wala pa namang anunsyo ang pamunuan ng Manila Light Rail Transit System Line 2 kung magpapatupad sila ng parehong serbisyo sa susunod na linggo. — James Relativo

vuukle comment

FREE RIDE

INDEPENDENCE DAY

LRT-1

MRT-3

PUBLIC RAILWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with