^

Bansa

Pinas bibili ng 8 ScanEagle UAVs

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pinas bibili ng 8 ScanEagle UAVs
Ang kontrata ay inianunsyo ng Insitu Inc., maker ng mga drones, at ang procurement ay mapapabilang sa mga ide-deliver para sa Southeast Asia hanggang 2022 kung saan ang Malaysia, Indonesia at Vietnam ay umorder na rin ng nasabing mga UAVs.
BY-SA/Naval Surface Warriors

MANILA, Philippines — Upang mapaigting pa ang surveillance operations, bibili ang bansa ng walong ScanEagle Unmanned Aerial Vehicles (UAVs) na nagkakaha­laga ng $9,633,665 mula sa Boeing, isang subsidiary aircraft maker sa ilalim ng United States Foreign Military Sales Program.

Ang kontrata ay inianunsyo ng Insitu Inc., maker ng mga drones, at ang procurement ay mapapabilang sa mga ide-deliver para sa Southeast Asia hanggang 2022 kung saan ang Malaysia, Indonesia at Vietnam ay umorder na rin ng nasabing mga UAVs.

Ang ScanEagle ay karaniwan ng ginagamit sa maritime surveillance at karamihan sa mga bansang bumibili nito ay ginagamit sa pagpapatrulya sa malawak nilang karagatan.

Ang ide-deliver na 8 UAVs ay karagdagan sa inventory ng Philippine Air Force (PAF) matapos i-turnover na noong Marso 2018 ng Estados Unidos ang 6 ScanEagle 2 drones sa Department of National Defense.

vuukle comment

DRONES

SCANEAGLE UNMANNED AERIAL VEHICLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with