^

Bansa

2 abogado itinumba ng tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 abogado itinumba ng tandem
Ang biktimang si Atty. Val Crisostomo habang nakahandusay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Dagupan, Pangasinan kahapon.
Non Alquitran

MANILA, Philippines — Dalawang abogado ang patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa magkakahiwalay na insidente ng pananambang sa lalawigan ng Rizal at Pangasinan kahapon ng umaga.

Kinilala ni Pangasinan Police Provincial Director, P/Col. Wilson Lopez ang biktima na si Atty. Val Crisostomo, legal counsel ng peryahan ng bayan at residente ng bayan ng Manaoag.

Dumalo umano ang biktima sa hearing nito sa kasong may kaugnayan sa illegal gambling at habang nakatayo sa harapan ng Hall of Justice sa Brgy. Bonuan Gueset ng lungsod ay biglang nilapitan ng salarin na nakasuot ng kulay itim na jacket at asul na helmet saka pinagbabaril gamit ang hindi pa natukoy na kalibre ng armas.

?Nang makasigurong napuruhan ang target ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Bonuan Binloc.

Samantala, patay din sa pananambang ang isang abogado sa Rodriguez, Rizal.

Nabatid kay Rizal Police Provincial Director, Col. Lou Evangelista, si Atty. Edilberto Golla Jr., 45, malapit sa kanyang tahanan sa Eastwood Greenview subdivision sa Bgy. San Isidro, Montalban.

Kalalabas pa lamang ng biktima sa gate ng kanilang bahay lulan ng kaniyang SUV at patungo sana sa isang pagpupulong nang harangin at pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Hindi pa nakuntento ang isa sa mga suspek na may hawak ng armalite dahil inubos nito ang bala ng dalawang magazine sa katawan ng suspek bago mabilis na tumakas sakay ng walang plakang motorsiklo.

Narekober sa lugar ang 56 basyo ng bala ng cal. 5.56 at cal. 45 pistol.

Kasalukuyan pang inaalam kung may kinalaman sa trabaho ng mga biktima ang motibo ng krimen. 

Sa ngayon patuloy pang inaalam ang pagkaka­kilanlan ng mga suspek sa naturang mga insidente.

vuukle comment

KILLED BY RIDING-IN-TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with