Joy B inendorso ng INC sa QC, nanatiling una sa survey
MANILA, Philippines — Nakamit ni mayoralty candidate Joy Belmonte ang suporta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa darating na May 13 local elections kung saan napanatili rin nito ang pangunguna sa mga isinagawang survey sa lungsod.
Si Belmonte, na nasa kanyang ikatlong termino bilang Vice Mayor ay nagpasalamat sa INC sa kanilang suporta.
“I was informed on Monday that INC will support me and majority of the candidates in my slate. This is very, very good news for us, and of course, for Quezon City because we are committed to our promise of giving selfless, top-notch service that will benefit the city’s residents,” ayon kay Belmonte.
“Kaya’t nagpapasalamat ako kay kapatid na Eduardo V. Manalo at sa buong kapatiran ng Iglesia Ni Cristo sa buong-pusong suporta nila sa atin. Isa po itong malaking karangalan sapagkat ang pangunahing templo at ang opisina ng INC ay nandito mismo sa Quezon City,” dagdag niya.
Nang tanungin kung bakit sa kanyang palagay siya ang inendorso ng INC, sinabi ni Belmonte na “naniniwala siyang nasa kanya ang suporta ng majority ng mga taga-QC”.
“We are overwhelmed by the support we have been receiving across all groups in Quezon City, and I think INC shares our vision of wanting the city to keep developing to bring more progress down to the people,” paliwanag niya.
Sinabi rin ni Belmonte na ang endorsement sa kanya ay dahil na rin sa malinis niyang track record at mga matagumpay na programa sa panunungkulan niya bilang bise alkalde sa lungsod sa loob ng tatlong termino.
“I personally will not take this for granted. If elected, I will make sure that my platform for inclusive development is felt by all. We will improve and eradicate corruption in city services. We will implement the projects that directly benefit the poor and marginalized. Of course, we will also make sure tuluy-tuloy ang pag-unlad ng lungsod alinsunod po sa slogan natin na ‘Kasama Ka Sa Pag-unlad,’” sabi pa ni Belmonte.
Patunay din umano ito na suportado ng mga mamamayan ng Quezon City ang kanyang mga plataporma sa kabila ng mga black propaganda na pinapakalat laban sa kanya.
Samantala, sa latest survey ng RP-Mission Development Foundation Inc. (RPMDinc) mula Mayo 4-8, 2019 mas lumamang pa si Belmonte na nakakuha ng 65 percent kumpara sa kanyang katunggali na si Cong. Vincent Crisologo na may 30 percent, na sinundan ni Chuck Mathay, may three percent sa mahigit na 8,000 rehistradong botante na naging respondents sa nasabing survey.
- Latest