Tolentino pasok sa winning circle
MANILA, Philippines — Pasok sa winning circle si dating Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino batay sa latest survey ng Argus Polls na sinagawa nong May 4-6, 2019 sa may 6,000 respondents.
Nasa ika-11 puwesto na si Tolentino na indikasyon na maraming botante ang nagnanais na mapuwesto siya sa Senado katuwang ng administrasyon.
Nangunguna naman si incumbent Sen. Cynthia Villar, na sinundan ni Sen. Grace Poe at dating Special Assistant to the President Bong Go. Nasa 4th at 5th naman sina ex-PNP chief Ronald dela Rosa at dating Sen. Lito Lapid.
Kabilang din sa 12 sina Sen. Koko Pimentel (6th), Pia Cayetano (7th), Imee Marcos (8th), Sonny Angara (9th), Nancy Binay (10th) at Bong Revilla (12th).
Apat na araw bago ang eleksyon, patuloy din ang suporta ng publiko sa mga nasabing kandidato.
Layon ng Argus Polls na magabayan ang mga botante sa kanilang iboboto.
- Latest