‘Bikoy’ sinungaling, nagbebenta ng info - PNP

MANILA, Philippines — Sinungaling umano at nagbebenta ng impormasyon sa ‘highest bidder’ ang lumutang na si Joemel Advincula alyas “Bikoy” na nagbulgar ng “The Real Narcolist’ na nagsasangkot sa ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Duterte sa illegal drug trade.
Ayon kay PNP Chief, General Oscar Albayalde, nakapagsagawa na ng background check ang PNP laban kay Advincula at natuklasan na dalawang intelligence agencies ng gobyerno ang naloko ng lalaking naka-hood na nagpakilalang si “Bikoy”.
Hiningan umano ni “Bikoy” ang nasabing mga ahensya ng P 50,000 hanggang P 70,000 kapalit ng impormasyon tungkol sa umano’y laboratoryo ng shabu sa Bicol Region.
Gayunman ng puntahan ng mga operatiba ang dalawang ahensya ay negatibo ang ibinigay na impormasyon ni “Bikoy” dahil isang resort pala ang itinuro nitong lugar.
Noong nakakulong pa umano si “Bikoy” sa National Bilibid Prisons ay ikinuwento nito sa kanyang mga ka-kosa na isa siyang miyembro ng sindikato ng droga pero nang mag-validate an y” dahil wala pa namang pormal na reklamong natatanggap ang PNP at wala ring naiisyung warrant of arrest laban dito.
- Latest


















