^

Bansa

Writ of amparo, habeas data ng SC tanggap ng AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Writ of amparo, habeas data ng SC tanggap ng AFP
Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, prerogatibo ng Korte Suprema ang nasabing hakbang pero ang nasabing desisyon ay hindi naman tumatalakay sa merito ng kaso kundi sa mga pamamaraan ng nasabing ‘writ of amparo’ at “writ of habeas data”.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nirerespeto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inisyung ‘writ of amparo’ at “Habeas data’ ng Korte Suprema na pumabor sa petisyon ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL).

Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, prerogatibo ng Korte Suprema ang nasabing hakbang pero ang nasabing desisyon ay hindi naman tumatalakay sa merito ng kaso kundi sa mga pamamaraan ng nasabing ‘writ of amparo’ at “writ of habeas data”.

Binigyang diin nito na handa ang AFP na ihayag ang katotohanan sa Korte kapag iprinisinta na nila ang kanilang panig laban sa mga walang basehang akusasyon ng NUPL.

Nitong Biyernes matapos ang special en banc session ay kinatigan ng Supreme Court ang petisyon sa writ of amparo at habeas data pabor sa NUPL na inakusahan ang AFP ng paglabag at harassment sa kanilang hanay kung saan ay kailangan nila ang proteksyon.

Ang NUPL at iba pang mga progresibong orga­nisasyon ay sinasabing may alyansa sa CPP-NPA na kalaban ng estado.

Sa reklamo ng NUPL, itinala sila ng Philippine Army na kaaway ng batas noong 2013 kung saan noong 2014 ay pumalag si NUPL Vice President Atty. Catherine Salucon sa umano’y isinasagawang surveillance bilang bahagi ng harassment sa kaniya ng tropa ng militar.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

EDGARD AREVALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with