^

Bansa

Tolentino: Eskwelahan at opisina manguna sa quake preparedness

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nanawagan si dating MMDA Chairman at pambatong senador ng administrasyon na si Francis Tolentino sa mga eskwelahan at mga tanggapan na manguna sa kampanya tungo sa paghahanda sa pagtama ng lindol kaakibat ng istriktong pagpapatupad ng National Building Code upang patatagin ang bansa laban sa malawakang sakuna dala ng pag-uga ng lupa. 

“Tama ang ating mga eksperto, sapat ang mga batayan ng mga istrukturang nakasaad sa National Building Code na nakabatay sa tibay na tatayo tumama man ang lindol na 8.4 magnitude. Ipatupad lamang ng mahigpit ang itinatadhana ng batas,” ayon kay Tolentino.

Bukod sa mga nagtataasang mga gusali at condominium, sinabi ng dating Presidential Political Adviser na kailangan ding maayos ang pagkakagawa ng mga maliliit na istruktura at mga kabahayan alinsunod sa mga nabanggit na kautusan. 

“Malamang sa hindi, kapag tumama ang lindol, marami sa atin ang nasa ating mga tahanan. Kaya importanteng unahin natin ang pagpapatibay ng ating mga tirahan.”

Pinuri naman ni Tolentino ang MMDA, na dati nitong pinagsilbihan bilang Chairman, dahil sa maagap na aksyon matapos ang magnitude 6.1 na lindol at sinabing dapat regular na itong gawin ng ahensya kasabay ng pagsabi na hindi na dapat hintayin pang tumama ang susunod na pagyanig ng lupa bago tayo muling matauhan.

vuukle comment

FRANCIS TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with