^

Bansa

‘2019 budget pork free’ – Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�2019 budget pork free� � Lacson
Umabot sa P95.3 bilyon ang na-veto ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte dahil ‘unconstitutional’ umano ang pondo.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nakatitiyak si Senator Panfilo “Ping” Lacson na walang nakapaloob na pork barrel funds sa Republic Act No. 11260 o General Appropriations Act para ngayong 2019 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa.

Umabot sa P95.3 bilyon ang na-veto ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte dahil ‘unconstitutional’ umano ang pondo.

Nakatitiyak din si Lacson na tiningnang mabuti ng Malacañang ang isinumiteng listahan kasama na ang nasa P20 bilyong insertions na ginawa umano ng ilang senador.

Kasama sa P95.3 bilyon na na-veto ng Pangulo ang P75 bilyong insertions ng House of Representatives.

Nirerespeto naman ng liderato ng Kamara ang desisyon ni pangulong Duterte na i-veto ang nasa P95.3 billion unprogrammed items na nakapaloob sa 2019 budget.

Ayon kay House Majority Leader Fredenil Castro, welcome para sa Kamara ang hakbang ng Pangulo at siniguro ang pagsunod sa anumang desisyon ng Presidente.

Nilinaw din kahapon ng Malacañang na ang P95.3 bilyong na-veto ni Pangulong Duterte sa 2019 national budget ay ang mga insertion ng Kamara sa Department of Public Works and Highways (DPWH) budget na wala sa priority projects ng pamahalaan, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo sa media briefing sa Malacañang, na-veto ng Pangulo ang P95.3 bilyong last minute insertion dahil ito ay labag sa naging ruling ng Korte Suprema.

Samantala, iginiit kahapon ng economic managers ng Duterte administration na hindi makakaapekto sa mala­laking proyekto ng pamahalaan ang ilang probis­yon ng pondong tinapyas ni Pangulong Duterte nang lagdaan nito anga national budget.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, hindi kasali sa priority projects ng gobyerno ang naturang halaga na tinanggihan ng Pangulo mula sa pondo ng DPWH. (Rudy Andal at Gemma A. Garcia)

vuukle comment

2019 NATIONAL BUDGET

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with