^

Bansa

Tolentino: Pantawid-Pasada sa drivers ng dyip at tricycle

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing nanawagan ngayon ang dating MMDA Chair at pambatong senador ng administrasyon na si Francis Tolentino para sa pagpapalawak ng Pantawid Pasada Program (PPP) para makinabang na rin dito ang mga jeepney at tricycle driver “upang tulungan silang ibsan ang epekto ng taas-babang presyo ng gasolina.”

Ani Tolentino, matu­tulungan ng husto ng P5,000 hanggang P10,000 pagtaas sa subsidiyang pantawid pasada ang kabuhayan ng mga tsuper dahil “ang kasalukuyang P20,514 kada taon ay kulang pa rin sa gitna ng tumataas na presyo ng bilihin kaakibat ng pagmahal ng gasolina.”

Nakatakdang maki­nabang mula sa nakalaang P3.86 bilyon nga­yong taon ang tinatayang 180 libong mga operator at drayber ng dyip mula sa nasabing programa. Inilaan ito upang ibsan ang epekto ng TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law.

Nanawagan din si Tolentino sa pagpapa­lawak pa ng nasabing programa upang pakinabangan na rin ito ng mga nagmamaneho ng pampasadang tricycle.

“Pantay-pantay sana nating ipamahagi ang pakinabang mula sa Pantawid Pasada Program. Gumagamit din ng gasolina ang mga tricycle at ang mga drayber at operator nito ay kasama ring nasasaktan sa bawat pag-angat ng presyo ng produktong langis. Lalo na ngayon dahil sa init na dala ng El Niño, mas kailangan ng mga ordinaryong Pilipino ang mga tricycle,” sabi ni Tolentino.

“Huwag nating ha­yaang magkadahilan ang ating mga kababayang tumigil-pasada. Bigyan natin sila ng pantay na pagkakataon sa insentibong dala ng mga programa ng gobyerno sa paraan ng pagpapalawak pa ng pakinabang mula dito para sa sektor ng transportasyon,” paliwanag pa ng senatoriable.

vuukle comment

FRANCIS TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with