^

Bansa

Panelo: 'Seryosong pag-aaral' gagawin bago humingi ng tulong sa US

James Relativo - Philstar.com
Panelo: 'Seryosong pag-aaral' gagawin bago humingi ng tulong sa US
Nangyayari ito sa gitna ng panibagong legal action na hinain ng Pilipinas kontra sa panghuhuli ng taklobo (giant clam) ng Tsina sa Scarborough Shoal.
AMTI

MANILA, Philippines — Naging maingat ang Malacañang sa pagsasabi na hihingi sila ng tulong sa Estados Unidos sa patuloy na pagbalewala ng Tsina sa mga protestang inihahain laban sa panghihimasok sa West Philippine Sea.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, maaari raw kasi itong panggalingan ng mga "repercussions" mula sa Tsina at Amerika.

"This would require serious study because there might be repercussions on both sides," wika ng tagapagsalita sa isang press briefing, Martes.

Gayunpaman, hindi naman idinetalye ni Panelo kung ano ang mga ito.

Iminungkahi kasi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na maaaring humingi ng saklolo ang Pilipinas mula sa Amerika, na tanging "military ally" ng bansa, sa kabila ng 'di pagpansin ng Tsina sa mga diplomatic protests.

"We will wait on the president's decision on that. We'll wait fo him," sabi niya.

Nangyayari ito sa gitna ng panibagong legal action na hinain ng Pilipinas kontra sa panghuhuli ng taklobo (giant clam) ng Tsina sa Scarborough Shoal, isang lugar na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Nauna nang sinabi ni US Secretary of State Mike Pompeo na tutulong sila sa Pilipinas sa oras na magkagulo sa West Philippine Sea bilang pagtupad ng kanilang tungkulin sa Mutual Defense Treaty.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala namang ginagawa ang Amerika laban sa Tsina kahit na matagal na silang nasa South China Sea.

Sa kabila ng agawan sa teritoryo, kilalang malapit ang presidente kay Chinese President Xi Jinping.

Umaasa naman ang Palasyo na tutugon ang Tsina sa sari-saring diplomatic protests at note verbale.

"We're still waiting. I'm sure they will respond in time." 

Paglilinaw ni Panelo, na kay Duterte na ang desisyon kung babanggitin niya ito sa Tsina sa susunod nilang pag-uusap.

"Again that's always the president's call."

Aminado naman ang Palasyo na tanggap nila ang bilateral negotiations bilang sagot sa territorial dispute.

Nang tanungin si Panelo kung ganito na lamang ang kanilang gagawin palagi, ito ang kanyang sinabi: "Eh kasi wala namang iba sa ngayon na pwe-pwede. In the meanwhile, negotiations tayo."

Pagtapak sa soberanya

Samantala, hindi naman kinakaila ng Malacañang na tinatapakan na ng Tsina ang soberanya ng Pilipinas.

"Eh siyempre, natural because if it's our territory, it is an affront to our territory and our sovereignty."

"That's why I share the sentiment of Secretary Locsin when he filed the diplomatic protest and said he will institute legal action."

Maliban sa mga diplomatic protests at note verbal, ipinauubaya na raw ng Palasyo kay Secretary Locsin ang iba pang maaaring gawin para ilaban ang karapatan sa lugar.

"As you see, the style of the president is that he leaves it to the departments," wika ni Panelo.

Sa ngayon, klinaro niya na ginagawa ito ng Tsina dahil sa tingin nila'y pagmamay-ari nila ang buong South China Sea.

"In other words, they are just being consistent with themselves. Eh tayo rin, we have to be consistent with ours. As far as we are concered, that is ours so we will be objecting to any intrusion in our territory," dagdag niya.

Taong 2016 nang balewalain ng Permanent Court of Arbitration ang nine-dash line claim ng Tsina at katigan ang sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

vuukle comment

CHINA

UNITED STATES OF AMERICA

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with