Bayarang media binira ni Digong
MANILA, Philippines — Binatikos ni Pangulong Duterte ang mga bayarang media na gumagawa ng mga fake news ngayong kampanya.
“They accept [payment] from clients to [write] political attacks. ACDC [attack and collect money, defend and collect money]. You attack to get paid. So don’t believe that they are clean,” pahayag ng Pangulo.
Aniya, ang mga bayarang media na ito ay pinoprotektahan lamang ang mga mayayaman at itinatago ang kanilang lihim.
Magugunitang hindi nakaligtas sa pagbatikos ng pangulo ang ginawa ng PCIJ sa kanya kung saan ay kinukuwestyon ang kanyang pagyaman.
Wika ng Pangulo, ipapaliwanag niya ang kinukuwestyon niyang yaman sa tamang panahon.
- Latest