^

Bansa

Ex-AFP comptroller chief 6 yrs. kulong sa perjury

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines – Hinatulang guilty ng Sandiganbayan dahil sa kasong perjury si dating AFP comptroller retired Lt. Gen. Jacinto Ligot.

Sa desisyon ng anti-graft court, guilty sa anim na bilang ng perjury si Ligot kaya hinatulan siyang mabilanggo ng tig-isang taon sa bawat bilang.

Habang not guilty naman ang naging hatol sa dalawa at naibasura naman ang tatlo pang bilang ng kaparehong kaso.

Nag-ugat ang kasong perjury ng dating comptroller dahil sa maling deklarasyon ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula 1993 hanggang 2003.

Si Ligot ay kaagad naglagak na ng kanyang piyansa para sa 6 counts of perjury. 

Matatandaan na si Ligot at dating Major Gen. Carlos Garcia na dati ring AFP comptroller ay nasangkot sa korapsiyon noong 2011 matapos ibunyag ni dating budget officer Lt. Col. George Rabusa na ang mga paalis na AFP chief of staff ay binibigyan ng umanoy “send off gifts” noong panahon ni dating pangulong Gloria Arroyo.

vuukle comment

PERJURY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with