^

Bansa

SC pinasasagot ang gov’t sa Chico River deal sa China

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
SC pinasasagot ang gov�t sa Chico River deal sa China
Nais ng mga petitioner na ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional, iligal at walang bisa ang naturang loan agreement.

MANILA, Philippines — Pinagkokomento ng Korte Suprema ang pamahalaan sa naging petisyon ng mga mi­yembro ng tinaguriang Makaba­yan bloc na kumukwestyon sa ligalidad ng pinasok nitong Chico River loan agreement sa China.

Pinasasagot ng SC ang Office of the President, gayundin sina Exec. Sec. Salvador Medialdea, Department of Finance, NEDA, DOJ at ang National Irrigation Administration.

Sila ang tumatayong respondents sa petisyon nina Makabayan Chairman Neri Colmenares, Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate at iba pang petitioner na humihirit ng Temporary Restraining Order sa SC para pigilan ang implementasyon ng mahigit sa $62-million Chico River Irrigation Project loan agreement ng Pilipinas sa China.

Nais ng mga petitioner na ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional, iligal at walang bisa ang naturang loan agreement.

Naniniwala ang mga petitioner na ang biglaang implementasyon ng nasabing loan agreement ay paglabag sa konstitus­yon kaya marapat nang ipawalang bisa.

Paliwanag ng mga petitioner, kwestyonable ang confidentiality clause ng kontrata na isang paglabag sa 1987 Constitution na tumitiyak sa karapatan ng publiko na malaman ang mga kontratang pinapasok ng pamahalaan.

vuukle comment

CHICO RIVER DEAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with