^

Bansa

Dubai, Baghdad paborito sa human trafficking

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dubai, Baghdad paborito sa human trafficking
Ayon sa DFA, nitong 2018 nakapagtala ng 17 kaso ng human trafficking ang Philippine Embassy sa Baghdad, Iraq. Kabilang dito ang isang Pilipino na nakulong sa Basra Prison sa loob ng tatlong buwan at napalaya nito lang Miyerkules.
AP

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko sa mga recruiter na nakikilala nila sa social media at pangangakuan sila ng trabaho sa Dubai ngunit babagsak sa Baghdad bilang illegal workers.

Ayon sa DFA, nitong 2018 nakapagtala ng 17 kaso ng human trafficking ang Philippine Embassy sa Baghdad, Iraq. Kabilang dito ang isang Pilipino na nakulong sa Basra Prison sa loob ng tatlong buwan at napalaya nito lang Miyerkules.

Dalawa pang Pinoy ang naayos ang kaso habang 10 pa ang nasa pa­ngangalaga ng embahada mula pa nitong Enero.

Sa rekord ng DFA, ang mga biktima ay idinaan sa Dubai patungong Iraq mula Juy 4 hanggang December 22, noong isang taon.

Nahikayat umano ang mga biktima sa social media kung saan sila inaalok ng mataas na sahod sa trabaho sa Dubai kahit tourist visa ang kanilang gamit.

Gayunman, pagsapit sa Dubai ay bibigyan ang mga ito ng trabaho subalit walang sahod dahil bahagi umano ito ng kanilang pagsasanay hanggang bago mag-expire ang kanilang visa ay aalukin na sila ng trabaho sa Iraq at kung hindi ay magbabayad sila ng $3,000.

Mapipilitan naman ang mga biktima na pumayag saka sila ibibiyahe sa Erbil sa Kurdis­tan Region sa Iraq at saka palulusutin patu­ngong Baghdad o Basra.

Sa biyahe naman patungong Iraq ay nabibiktima rin ang mga ito ng pangmomolestiya at pagmamaltrato.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with