^

Bansa

Ex-Laguna Gov. ER Ejercito kulong sa graft

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-Laguna Gov. ER Ejercito kulong sa graft
Si Ejercito ay nagsilbing Mayor sa Pagsanjan mula 2001 hanggang 2010 bago ito naluklok sa puwesto bilang gobernador sa Laguna.

MANILA, Philippines — Hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan Fourth Division ang aktor at dating gobernador ng Laguna na si Emilio Ramon “ER” Ejercito dahil sa kasong graft.  

Sa desisyong inilabas ng anti-graft court, nag-ugat ang kaso ni Ejercito sa umano’y maanomalyang insurance deal para sa mga turista at boatmen na pinasok nito noong kasalukuyan pa itong alkalde sa bayan ng Pagsanjan, Laguna.

Si Ejercito ay nagsilbing Mayor sa Pagsanjan mula 2001 hanggang 2010 bago ito naluklok sa puwesto bilang gobernador sa Laguna.

Inakusahan si Ejercito at co-respondents nito ng pamemeke ng Memorandum of Agreement kasabwat ang First Rapids Care Ventures (FRCV) para sa proteksyon sa aksidente at pinansyal na tulong para sa mga turista at boatmen sa Pagsanjan na kilala sa pamosong ‘waterfalls’  o talon nito.

Dahil dito, sinentensiyahan si Ejercito ng anim hanggang walong taong pagkakabilanggo.

Si Ejercito ay pa­mang­kin ni dating Pa­ngulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Samantala, ipinag-utos din ng Sandiganbayan ang pagpapataw ng perpetual disqualification o ang hindi na pagpapahintulot kay Ejercito na humawak pa ng anumang posisyon sa gobyerno.

Kanselado na rin ang civil service eligibility ni Ejercito maging ang kaniyang retirement benefits.

Si Ejercito ay tuma­takbo muli bilang gobernador sa kanilang lalawigan.

Naglaan naman ang Sandiganbayan ng P30,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

Samantala maaari namang iapela ni Ejercito ang desisyon habang ipinupursige ang ‘post conviction remedies’ sa ibinabang hatol laban dito.

vuukle comment

EMILIO RAMON “ER” EJERCITO

SANDIGANBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with