^

Bansa

Prov’l bus ban sa EDSA ‘anti-promdi’ - Salceda

Pilipino Star Ngayon
Prov�l bus ban sa EDSA   �anti-promdi� - Salceda
Nakatakdang ipatupad ng MMDA sa Hunyo sa halip na Abril, ang pagbabawal sa mga provincial bus na dumaan sa EDSA bunsod na rin ng lumalalang trapik sa Kamaynilaan.

MANILA, Philippines — Binatikos at binansagan ni Albay Rep. Joey Salceda na walang katuturan at ‘anti-Probinsiyano’ ang nakatakdang pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA.

Nakatakdang ipatupad ng MMDA sa Hunyo sa halip na Abril, ang pagbabawal sa mga provincial bus na dumaan sa EDSA bunsod na rin ng lumalalang trapik sa Kamaynilaan. 

Balak ding ilipat ang mga terminal ng bus patungong Norte sa Valenzuela City, at sa Sta. Rosa, Laguna naman ang terminal ng mga bus patungong Bikol at Kabisayaan.

Ayon kay Salceda, malaking kasiraan sa ekonomiya, dagdag na gastos at pahirap ang idudulot nito sa mga probinsiyanong pasahero. 

Pinuna niya na may mga 2.8 milyong sasakyan sa Kamaynilaan, samantalang 4,000 lamang ang bilang ng mga ‘provincial buses’ – 2,500 mula norte at 1,500 patungong Katimugan.

“Wala talaga itong katuturan at ‘anti-probinsiyano.’ Sa buong mundo, higit na prayoridad ang pampubliko kaysa pribadong sasakyan. Kahit sa New York o sa Tokyo, ang mga ‘provincial bus stations’ ay nasa pusod ng lunsod.” Saan ba kayo nakakita ng ‘provincial bus stations’ na 39 kilometro ang layo sa destino ng mga pasahero?” giit niya.

Nitong Marso 21, pinagtibay ng MMDA Council ang Resolution 19-002 na nababawal sa Metro Manila LGUs na magbigay ng pahintulot sa mga kumpanya ng pampublikong sasakyan na magtatag ng kanilang istasyon sa kahabaan ng EDSA, bilang paghahanda sa paglipat ng terminal.

vuukle comment

JOEY SALCEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with