^

Bansa

‘Home-to-school roads’ prayoridad ng Ang Probinsyano Party-List

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsisilbing hamon para sa popular congressional candidate na Ang Probinsyano Partylist ang mga malalayong paaralan mula sa mga bahay ng mga estudyante at guro sa probinsya.

Sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa 8,000 ang tinatawag na “Last Mile schools” o malalayong eskwelahan  sa buong bansa.

“Madalas sa malalayong lugar, kailangang maglakad ng kilu-kilometro ang mga guro sa mga daang maputik at mapanganib para lang makarating sa eskwelahan at makapagturo. Ganito rin ang pinagdaraanan ng mga estudyante sa mga kanayunan na nanggagaling pa sa mga karatig-bayan at araw-araw ay naglalakad para pumasok sa malalayong eskwelahan,” sabi ni AP-PL nominee Alfred Delos Santos.

Sakaling mahalal ang AP-PL sa kongreso, isa sa mga prayoridad nito ay ang pagsisiguro na ang mga kalsada at daan ay mas maging maayos para sa lahat at ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng Access Roads to all Lear­ners (ARAL) Law sa pakikipagtulungan sa DPWH, ayon kay delos Santos.

vuukle comment

ANG PROBINSYANO PARTYLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with