^

Bansa

Joy B, top choice pa rin sa QC mayoral race

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Joy B, top choice pa rin sa QC mayoral race
Sa naturang non-commissioned survey na isinagawa noong Marso 1-10, 2019 sa may 3,500 registered voters sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region (NCR), nanatili bilang ‘top choice’ ng mga botante sa pagka-alkalde sa QC si Belmonte.

MANILA, Philippines — Kung ngayon gaganapin ang halalan ay tiyak nang mananalo si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte matapos makakuha ng 75 percent boto, sa pinakahuling independent survey ng RP-Mission and Deve­lopment Foundation Inc. (RPMD Inc.).

Sa naturang non-commissioned survey na isinagawa noong Marso 1-10, 2019 sa may 3,500 registered voters sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region (NCR), nanatili bilang ‘top choice’ ng mga botante sa pagka-alkalde sa QC si Belmonte.

Malayo ang kalamangan niya kay Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo, na may 24% lang at dating Rep. Chuck Mathay, na nakakuha ng 1%.

Para sa vice mayor’s position, nakopo naman ni Councilor Gian Sotto ang 42 percent na ­ungos kay Jopet Sison na nakakuha ng 15 percent at Roderick Paulate, 13 percent.

Bago ang  survey ng RPMD Inc.,  nailampaso rin ni Belmonte si Crisologo sa ginawang survey na kinomisyon ng PUBLiCUS Asia Inc.

Nuong November 16-20 may bilang na 1,800 registered voters sa kabuuan ng Metro Manila kung saan nakakuha si Belmonte ng 59% na malaking lamang kum­para sa 17% ni Crisologo.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with