^

Bansa

Water level sa La Mesa dam pinakamababa sa loob ng 21 taon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Water level sa La Mesa dam pinakamababa sa loob ng 21 taon
Sa Dam Water Level Update ng PAGASA, alas-6 ng umaga kaha­pon, ang water le­vel ng naturang dam ay umabot sa 68.74 me­ters, mas mababa sa critical level na 69 meters.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bumaba pa sa critical level ang tubig sa La Mesa Dam, ang pinakamababang level na naitala sa loob ng 21 taon.

Sa Dam Water Level Update ng PAGASA, alas-6 ng umaga kaha­pon, ang water le­vel ng naturang dam ay umabot sa 68.74 me­ters, mas mababa sa critical level na 69 meters.

Ayon sa PAGASA, makasaysayan ang patuloy na pagbaba ng tubig sa La Mesa dahil ngayon lamang ito nangyari sa nakalipas na maraming taon.

Noong 1998, nasa 68.75 meters ang pinaka- mababang water level ng La Mesa dam.

Bunga nito, nagtutulong-tulong ngayon ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa pagitan ng Manila Water at Maynilad Water kung paano maiibsan ang na­raranasang kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila dulot ng pag­baba ng water le­vel sa naturang dam na pinagkukunan ng suplay ng mga nasa eastern part ng MM.

Mula kahapon, aabutin na ng 1.2 milyong ka­bahayan ang naapektuhan ng water service interruptions sa eastern part ng Metro Manila.

vuukle comment

LA MESA DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with