^

Bansa

P190-M shabu nasamsam, 4 timbog!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P190-M shabu nasamsam, 4 timbog!
Ayon kay PNP Spokes­man, P/Col. Bernard Banac, ang pagkakadiskubre sa droga ay dahil sa pinaigting na kampanya ng Cebu City Police station 7 sa kanilang lugar.

MANILA, Philippines — Tinatayang 28 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P190.4 milyon ang narekober sa magkakahiwalay na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na High Value Targets kabilang ang isang mag-anak sa Cebu City, kahapon.

Ayon kay PNP Spokes­man, P/Col. Bernard Banac, ang pagkakadiskubre sa droga ay dahil sa pinaigting na kampanya ng Cebu City Police station 7 sa kanilang lugar.

Sa ulat ni Cebu City Police chief Col. Royena Grama, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maaresto si Elymar Tampo Ancajas, isang HVT, ng Fatima Homes Brgy. Inayawan, Cebu City at makumpiskahan ng 18 kilo ng hinihinalang shabu na P122,400 ang halaga. 

Dakong alas-3 ng madaling araw nang madakip din ang drug suspect na si Joceyln Encila sa loob ng Mendero Hospital sa Consolacion, Cebu habang naka-confine dahil sa dehydration.

Nag-order ng isang kilong shabu ang poseur-buyer mula kay Encila subalit dahil nasa ospital siya kaya inutusan nito ang buyer na kunin ang droga sa kanyang mga magulang na sina Marcial at Marilyn Encila sa Green Valley Subd., Brgy. Casii sa Consolacion.

Nang makuha ang droga sa mag-asawang Encila, nagpakilala ang buyer na pulis at saka inaresto ang dalawa.

Sa clearing operation sa bahay ng mga Encila, narekober pa ang 10 kilong shabu na nasa P68 milyon. 

vuukle comment

HIGH VALUE TARGETS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with