Digong nilaglag si Jinggoy
MANILA, Philippines — Inilaglag ni Pangulong Duterte sa kanyang inendorsong senatorial candidate si former Sen. Jinggoy Estrada subalit nagpahayag ng suporta sa kapatid nitong si re-electionist Sen. JV Ejercito.
Ipinaliwanag ng Pangulo na may isang taon na niyang binuo ang tiket ng susuportahan niyang mga senatorial candidates.
Aniya, kaya niya inendorso si Jinggoy sa Albay ay dahil naroroon siya sa event kaya alangang hindi naman niya iendorse ito kahit isang araw lang.
“Nandoon siya eh. Alang-alang naman na hindi ko siya… Even for just one single day masabihan mo na ang kandidato mo 13 lahat. What is that to a friend? We know that he has suffered. We know that he was in prison,” giit pa ni Duterte.
Magugunita na inendorso ni Pangulong Duterte ang 11 senatorial candidates ng PDP-Laban at mga guest candidates nito sa proclamation rally sa San Jose del Monte City.
Kabilang dito sina Sen. Koko Pimentel, dating SAP Bong Go, dating Presidential Adviser Francis Tolentino, dating PNP chief Ronald dela Rosa, Sen. Cynthia Villar, Sen. JV Ejercito, Sen. Sonny Angara, Taguig Rep. Pia Cayetano, Maguindao Rep. Dong Mangudadatu at composer-singer na si Freddie Aguilar.
- Latest