^

Bansa

Comelec may ultimatum sa senatorial candidates

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Comelec may ultimatum sa senatorial candidates
Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, sapat na ang binigay nilang panahon sa mga kandidato upang magkabit ng kani-kanilang mga posters kaya’t tama lamang sila mismo ang magtanggal ng kanilang mga tarpaulin sa mga bawal na lugar.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Hanggang ngayon na lang ang ibinigay na ultimatum ng Commission on Elections (Comelec) sa mga senatorial candidates para baklasin ang kanilang mga campaign materials.

Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni  Comelec Spokesman James Jimenez, sapat na ang binigay nilang panahon sa mga kandidato upang magkabit ng kani-kanilang mga posters kaya’t tama lamang sila mismo ang magtanggal ng kanilang mga tarpaulin sa mga bawal na lugar.

Ilan sa mga common areas ay matatagpuan sa paligid ng public markets at park habang ipinagbabawal naman ang campaign posters sa footbridges, puno at poste.

“Hindi nila puwedeng sabihin na hindi ako ang nagkabit niyan kasi sino ba ang nag-bebenipisyo riyan?,” ani Jimenez.

Sinabi pa ni Jimenez  na magpapakalat din sila ng  tauhan simula bukas upang tanggalin ang mga illegal campaign posters ng mga kandidato. Kailangan na sundin ang ipinatutupad ng Comelec na 2’ x 3’.

Samantala, hindi na kailangan pang magdala ng  identification card ang isang botante upang makaboto.

“Kung ang pangalan nyo ay nasa labas at wala sa loob, hindi kayo pabobotohin. Ngayon kung wala sa labas pero nasa loob, maaaring makaboto,” ani Jimenez.

Hihingan lamang ng ID kung hindi babasahin ng  biometrics ang identity ng isang botante.

Nagsimula na ang kampanya sa senatorial race noong Martes habang sa Marso 29 naman sa local.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

JAMES JIMENEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with