Publiko binalaan sa nakalalasong lipstick
MANILA, Philippines — Sa pagdiriwang ng Valentine’s day, binalaan ng Ecowaste Coalition ang publiko sa pagbili at paggamit ng nakalalasong lipstick.
Sa latest screening ng Ecowaste sa 115 samples, may 11 brands ang may metal contaminants nang gamitin ang X-Ray Fluorescence (XRF) analytical device.
Ang samples ay nabili ng grupo mula sa cosmetic vendors sa Baclaran, Cubao at Divisoria na may halagang P10 hanggang P50 noong February 5, 7 at 8 na pawang hindi nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA).
Ang samples ng Qianxiu lipstick at imitation MAC lipstick ang nangunguna sa talaan ng mga nakalalasong lipstick.
- Latest