^

Bansa

Tigdas outbreak ikinabahala ng WHO

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Tigdas outbreak ikinabahala ng WHO
Ayon kay Dr. Gundo Weiler, kinatawan ng WHO sa bansa, nuong isang taon pa nila binabantayan ang outbreak ng tigdas kung saan aabot sa 20,000 mga pasyente na ang napaulat na tinamaan.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Ikinabahala ng World Health Organization (WHO) ang idineklarang measles outbreak sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Gundo Weiler, kinatawan ng WHO sa bansa, nuong isang taon pa nila binabantayan ang outbreak ng tigdas kung saan aabot sa 20,000 mga pasyente na ang napaulat na tinamaan.

Gayunman, sinabi ni Dr. Weiler na hindi naman na sila nagulat na lumala ang kaso ng tigdas sa Pilipinas dahil sa kulang ang kumpiyansa ng mga Pilipino na tanggapin ang vaccination program.

Batay sa tala ng WHO, aabot lamang sa pito mula sa 10 mga bata na may edad 17 pababa ang nabakunahan kabilang na riyan ang bakuna kontra tigdas.

Sa panig naman ng DOH, ipinagmalaki ni Health Secretary Francisco Duque III na mas dumami na umano ang mga magulang na nagpupunta sa mga health centers para pabakunahan ang kanilang mga anak.

Paliwanag naman ni Duque, resulta ito ng ginagawa nilang pag-iikot sa mga komunidad upang ipaunawa ang kahalagahan ng bakuna kontra sa iba’t ibang karamdaman.“

“Sa wakas yung kanilang takot doon sa mga dating isyu tungkol sa dengvaxia mukhang nawawala na. At ito naman takot sa measles ang ngayong namamayagpag kaya sila naman ay nagpapabakuna ngayon, pero nakakalungkot lang may mamatay pa para lang maintindihan ang measles vaccine”, ani Duque.

Dagdag pa ni Duque na tuluy-tuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga LGUs para paigtingin ang ating immunization.

vuukle comment

MEASLES OUTBREAK

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with