20% student fare discount aprub
Kahit weekends, holidays
MANILA, Philippines — Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang 20% diskwento sa lahat ng uri ng transportasyon ng mga estudyante sa buong bansa.
Sa botong 169 Yes at zero No ay tuluyang ipinasa ang House Bill 8885 o Student Fare Discount Act.
Sa ilalim ng panukala, obligado nang magbigay ng 20% student fare discount ang mga bus, jeepneys, taxis, tricycle, transport network vehicle services (TNVS), MRT, LRT gayundin ang mga airlines at barko.
Kasama rin ang mga araw ng Sabado at Linggo gayundin ang mga holidays na maaaring makapag-avail ng student discount.
Para makapag-avail ng 20% student fare discount sa lahat ng uri ng transportasyon, kailangan lamang magpakita ng valid school ID o enrollment form ang isang estudyante.
- Latest