^

Bansa

Total ban sa paputok, inutos ni Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Total ban sa paputok, inutos ni Duterte

MANILA, Philippines — Inutos na ni Pangulong Duterte ang total ban sa lahat ng uri ng mga paputok sa buong bansa.

Sa mensahe ng Pangulo kamakalawa ng gabi sa Bulacan, sinabi nito na hindi siya mag-aatubiling magpalabas ng Executive Order para sa nasabing pagbabawal ng pa­putok.

Kinontra rin ng Pa­ngulo ang mga paniniwala ng karamihang mga Pilipino na kaya nagpapaputok tuwing bagong taon ay para maitaboy ang mga masasamang espiritu.

Magugunitang nag­labas na ng Executive Order 28 ang Pangulo noong 2017 na naglilimita sa paggamit ng mga paputok at pagtatakda ng mga community fireworks display sa mga barangay at komunidad.

Ipinag-utos na rin nito noong Oktubre ang pagsuspinde sa pagproseso ng mga lisensya at permit sa pabenta at maging ang paggawa ng mga paputok at pyrotechnic devices.

vuukle comment

FIRECRACKER

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with