^

Bansa

NAIA quarantine team sinibak ni Piñol

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
NAIA quarantine team sinibak ni Piñol
Nagsasagawa na rin ang DA ng imbestigasyon para matukoy kung may batayan para kasuhan ng Dereliction of Duty ang buong quarantine group personnel.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y pagsuway sa direktiba sa pagpapatupad ng procedures laban sa African Swine Fever (ASF), sinibak ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang lahat ng Quarantine personnel ng Department of Agriculture (DA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nagsasagawa na rin ang DA ng imbestigasyon para matukoy kung may batayan para kasuhan ng Dereliction of Duty ang buong quarantine group personnel.

Una nang ipinagbawal ng DA ang pagpasok ng pork-based products mula sa Belgium, China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine matapos ang insidente ng African Swine Flu sa nasabing bansa. Bagamat ang ASF ay hindi mapanganib sa tao ay nagdudulot naman ito ng hemorrhagic fever na madaling kumakalat sa alagang mga baboy.

Nito lamang Disyembre 31 ay iniutos ni Piñol na maglagay ng foot baths sa bawat entry points kabilang sa mga ports, para magkaroon ng disinfectants at masiguro na walang kontaminadong materyal na maiiwan sa mga sapatos na maaaring magdala ng virus.

Nakarating umano kay Piñol na sa kabila ng kanyang direktiba ay wala pa ring footbaths sa NAIA.

Nauna nang inamin daw sa kanya ni Bureau of Animal Industry (BAI) acting director Ronnie Domingo na nabigo raw ang NAIA quarantine group na makapag-establish ng footbath facility dahil sa “procurement issues”.

“‘Kung gusto, mara­ming paraan; Kung ayaw, maraming dahilan’,” patutsada ng kalihim sa palusot daw na ito ni Domingo.

vuukle comment

MANNY PIñOL

NAIA QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with