^

Bansa

Hustisya kay Batocabe tiniyak ng Malacañang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Hustisya kay Batocabe tiniyak ng Malacañang
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ipatutupad ng pamahalaan ang “full hand of the law” upang maresolba ang extra judicial killing na sinapit ni Congressman Batocabe.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na tututukan ng gobyerno ang pagbibigay ng katarungan sa pagkakapatay kina Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe sa mismong araw ng wedding anniversary nito at bodyguard nito kamakailan sa Daraga, Albay.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ipatutupad ng  pamahalaan ang “full hand of the law” upang maresolba ang extra judicial killing na sinapit ni Congressman Batocabe.

Ayon kay Andanar, nakikiramay ang buong pamahalaan sa pamilya ni Batocabe na dapat sana ay nagsasaya ngayong kapaskuhan tulad ng ibang pamilya kaya naman maging ang Department of Justice, National Bureau of Investigation at iba pang ahensiya ng pamahalaan na puwedeng tumulong ay kumikilos na upang mahuli ang mga suspek sa krimen.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa P40 million ang ambag-ambag ng mga kasamahang kongresista ni Batocabe bilang reward sa makapagtuturo sa mga suspect para sa mas mabilis na pagresolba sa kaso.

Samantala, kinumpirma ni Andanar na nakatakda sana silang magkita ni Batocabe at iba pang Partylist Representative pagkatapos ng holiday seasons para pag-usapan ang ilang mga issues.

vuukle comment

MARTIN ANDANAR

RODEL BATOCABE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with