^

Bansa

Chacha ng Kamara waste of time

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Chacha ng Kamara waste of time
Ayon kay Drilon, wala nang panahon para ta­lakayin ito at babalik ulit sa “square one” sa susunod na Kongreso.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Naniniwala sina Se­nate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Panfilo Lacson na pag-aaksaya lamang ng oras ang ginawang pagtalakay at pagpasa ng House of Representatives sa draft federal constitution dahil hindi na rin ito  maaaktuhan ng Senado at malabong maipasa bago matapos ang kasalukuyang 17th Congress.

Ayon kay Drilon, wala nang panahon para ta­lakayin ito at babalik ulit sa “square one”  sa susunod na Kongreso.

“Waste of time…back to square one and pagtalakay (ng susunod na Kongreso)” sabi ni Drilon.

 Wala na rin aniyang panahon ang Senado para talakayin pa ito lalo’t nalalapit na ang panahon ng kampanya sa susunod na taon para sa 2019 national elections.

Sinabi naman ni Lacson na tiyak na hindi papasok ang Senado sa ipinasa ng House of Reprentatives na draft federal constitution na tinawag na “self-serving” at “disgusting” ng chairman ng komisyon na bi­nuo ni Pangulong Rodrigo Duterte  para pag-aralan ang pag-amiyenda sa Konstitusyon.

“Sa tingin ng mismong chairman ng commission na created, self-serving at saka disgusting ang description niya. Lalo na ang Senate paano, kami papasok? Nasama pa kami sa masisisi na disgusting ang ginawa namin?” sabi ni Lacson

Aminado naman si Lacson na panahon na talaga para ami­yendahan ang Konstitusyon lalo na ang mga probisyon tungkol sa ekonomiya pero dapat pa rin aniyang maging malinaw kung papano ang gagawing botohan ng mga mambabatas sa dalawang kapulu­ngan ng Kongreso kung saan maaring mawala ang boses ng Senado.

“Kami masigurado lang namin na voting separately, walang problema sa amin na pag-aralan dahil may mali talaga sa 1987 Constitution na di applicable,” sabi pa ni Lacson.

vuukle comment

CHA CHA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with