3 PNPA cadets guilty sa oral sex, talsik na!
MANILA, Philippines — Guilty ang ibinabang hatol ng probe team laban sa tatlong kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nasangkot sa oral sex habang pinatawan na rin ang mga ito ng dismissal sa akademya.
“Please be informed that the Second Class Cadet and two other 3rd Class cadets involved in the above activity against two fourth class cadets are found guilty for the administrative charges filed against them”, pahayag ni PNPA Director P/Chief Supt. Chiquito Malayo.
“They are meted the penalty of dismissal from the cadetship program”, anang opisyal.
Ang insidente na lumikha ng kontrobersya sa PNPA ay nangyari nitong Oktubre 6 matapos atasan ng isang 3rd class cadet ang dalawang plebo na mag-oral sex sa kaniyang harapan habang dalawa naman nitong kasamahan ang nanonood lang.
Ang nasabing kahalayan ay bilang parusa umano sa maliit na pagkakasala na nagawa ng dalawang plebo.
Sinabi naman ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na ipinag-utos na ang pagpapatalsik sa tatlong kadete.
“ Yes, it’s for signature (dismissal order), it will be signed for the dismissal of the three cadets,” ayon kay Albayalde.
Binigyan naman ng PNPA ng 48 oras ang nasabing mga kadete para magsumite ng motion for reconsideration sa kanilang kasong kinakaharap.
- Latest