^

Bansa

Big time rollback

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Big time rollback
Hawak ng isang gas attendant ang gas hose mata- pos na muling magrolbak ang presyo ng petrolyo.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Muling nagpatupad ng ika-7 big time rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa kahapon.

Naunang nagbaba ng presyo sa kanilang produktong petrolyo ang Davao-based Phoenix Petroleum nitong nakaraang Sabado ng tanghali. Nagtapyas ang kumpan­ya ng P1.10 sa kada litro ng gasolina at P2.20 sa kada litro ng diesel.

Kahapon ng Linggo, sumunod ang Seaoil dakong alas-6 ng umaga. Mas malaking P2.30 ang tatapyasin sa diesel, P1.10 rin sa gasoline at P2.10 sa kada litro ng kerosene.

Ngayon Lunes ng umaga, sasalubong sa mga motorista ang bawas-presyo ng kumpanyang Jetti na nasa P2.30 kada litro sa Diesel at P1.10 sa gasolina.

Bubuhos din ang rolbak ng Caltex dakong alas-12:01 ng hatinggabi na magtatapyas ng P1.10 sa gasolina, P2.30 sa diesel at P2.10 sa kerosene.

Magkasabay naman ang Pilipinas Shell at PTT Philippines dakong alas-6 ng madaling araw.  Magkaparehong P2.30 sa diesel at P1.10 sa gasolina ang ibinaba nila habang  P2.10 din ang itinapyas ng Shell sa kerosene nila.

Wala pang anunsyo ang ibang kumpanya ng langis ngunit inaasa­han na susunod sila sa panibagong galawan sa presyo ng petrolyo na bunsod pa rin sa dikta ng presyo ng internasyunal na merkado partikular sa Means of Platts Singapore (MOPS). 

vuukle comment

GASOLINE

OIL PRICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with