Isa pang opisyal sisibakin ni Duterte
MANILA, Philippines — Bagaman hindi pinangalanan, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isa pang opisyal ng gobyerno ang kanyang tatanggalin sa tungkulin sa sandaling makabalik sa bansa mula sa biyahe sa Papua New Guinea.
Sa harap ng Filipino community, muling binanggit ng Pangulo na kabilang sa mga ipinangako niya noong kampanya ay ang pagsugpo sa katiwalian.
Ikinuwento rin ng Pangulo na may opisyal siyang sinibak dahil sa pagsisinungaling.
Ayon pa sa Pangulo, nag-iinit ang ulo niya sa mga nagsisinungaling at isa na namang opisyal ang sisipain niya sa puwesto.
- Latest