^

Bansa

Pinsala ni Ompong sa agri dahilan ng mataas na inflation

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pinsala ni Ompong sa agri  dahilan ng mataas na inflation
Lumitaw sa 3rd quarter 2018 survey ng SWS na 52 percent ng pamilyang Pinoy ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sinisi ng Malacañang ang pananalasa sa agrikultura ni bagyong Ompong na isa sa dahilan sa mataas na inflation rate at ang pagtaas ng bilang ng mga Filipino na itinutu­ring ang kanilang sarili na lalong humirap ang buhay, sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Lumitaw sa 3rd quarter 2018 survey ng SWS na 52 percent ng pamilyang Pinoy ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.

Pumalo sa 6.7 percent ang inflation rate nitong September na pinakamataas sa nakaraang 9 na taon habang 6.3 % ang naging inflation rate noong Agosto.

“For one, the destruction to agriculture and infrastructure caused by Typhoon Ompong in the Cordillera, Ilocos, and Cagayan regions contributed to higher inflation. This would explain why self-rated poverty in Balance Luzon rose to 47 percent in September,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon kay Roque, gumagawa na ng hakbang ang gobyerno upang maibsan ang epekto ng inflation at maibaba ang presyo ng pangunahing produktong agrikultural.

vuukle comment

INFLATION

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with