^

Bansa

Pangalan ng mga paaralan ‘di dapat isinapubliko – senators

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangalan ng mga paaralan  �di dapat isinapubliko � senators

MANILA, Philippines — Hindi dapat isinapubliko ang mga pangalan ng mga eskuwelahan na diumano’y nagkakaroon ng recruitment para sa Red October ouster plot na gagamitin kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, anumang listahan na bina-validate pa lamang ay hindi dapat agad na ibinubunyag sa publiko.

Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na ang mga intelligence reports ay para lamang sa consumption ng mga intelligence officers para mag-follow up at sa huli ay makagawa ng konkretong hakbang upang mahuli ang mga targets ng surveillance o kaya ay masampahan ng kaso.

Ipinunto pa ni Lacson na kung ihahayag sa publiko ang target ng ginagawang intelligence efforts ay mababalewala lamang ito at walang ins­titusyon ang aamin na pinapabayaan nila ang mga estudyante lalo na sa isyu ng destabilisasyon.

Idinagdag naman ni Escudero na ang ideolohiya ay dapat tinatapatan ng ideolohiya lalo na sa loob ng paaralan. Alam aniya ng Armed Forces of the Philippines na sa digmaan mahalagang component ang “winning hearts and minds.”

Hindi rin aniya dapat magkaroon ng pagpigil sa kalayaan sa pagpapaha­yag at academic freedom.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with