^

Bansa

PNP zero ang suporta kay Trillanes

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP zero ang suporta kay Trillanes
Inihayag ito kahapon ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde kaugnay ng ibinunyag ng Pangulo sa umano’y isyu ng paksyon sa hanay ng PNP at AFP sa pagsuporta kay Trillanes.
Boy Santos

Walang nagpakalbo – Albayalde

MANILA, Philippines — Walang nagpakalbo sa Philippine National Police (PNP) bilang pagpapakita ng suporta  kay Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay ng umiinit na isyu sa amnestiya nito na binawi ni Pangulong Duterte.

Inihayag ito kahapon ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde kaugnay ng ibinunyag ng Pangulo sa umano’y isyu ng paksyon sa hanay ng PNP at AFP sa pagsuporta kay Trillanes.

Ayon sa Pangulo, nagpakalbo ang mga sun­dalong kumokontra laban sa kaniya na hinamon nitong gawin na ang pag-aaklas.

Sinabi ni Albayalde na zero o walang makukuhang suporta si Trillanes sa hanay ng mga opis­yal at tinatayang nasa 190,000 puwersa ng PNP.

“Wala. I have repeatedly said that zero sa amin ‘yan sa PNP. Wala tayong namo-monitor kahit na little support, in any way, dito kay Senator Trillanes,” sabi ni Albayalde.

Sa halip , pabiro pang sinabi ni Albayalde na kung meron mang opis­yal ng PNP na nagpakal­bo, ang ibig lang sabihin nito ay gusto ng opisyal na maging PNP Chief, katulad niya at maging ni dating PNP chief ret. P/Director General Ro­nald “Bato” Dela Rosa na walang buhok. 

Nilinaw ni Albayalde na walang kahit na anong reklamo laban sa admi­nistrasyon ni Pangulong Duterte sa hanay ng mga aktibong pulis at ma­ging sa mga retiradong opis­yal.

Muli rin nitong iginiit na hindi kailangang magsagawa ng loyalty check sa hanay ng PNP dahil ang kanilang buong pu­wersa ay nananatiling tapat sa Saligang Batas at poprotektahan ang interes ng bayan.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with