^

Bansa

AFP bantay-sarado sa Senado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
AFP bantay-sarado sa Senado

2 military trucks tutok kay Trillanes

MANILA, Philippines — Dalawang military trucks na may lulang mga sundalo ang ipinadala na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Senado kaugnay ng kautusan ni Pangulong Duterte na arestuhin si Sen. Antonio Trillanes IV matapos bawiin o ipawalang bisa ang amnestiya nito.

Dakong alas-7 pa lamang ng umaga nang maispatan ang dalawang military truck na may lulang tig-20 sundalo na naatasang umaresto kay Trillanes sa bisa ng arrest order na inisyu ng AFP Provost Marshal kaugnay ng pagsasalang dito sa court martial.

Una nang iginiit ni AFP Spokesman Col.  Edgard Arevalo na dahil pinawalang bisa ang amnestiya laban kay Trillanes ay balik ito sa aktibong military status.

Nabatid na hindi maaa­ring arestuhin si Trilla­nes sa loob ng pre­mises ng Senado habang may sesyon at bawal din ang mga pulis at sundalo na pumasok sa loob ng naturang gusali.

Bukod sa mga sundalo, may mga nakabantay ding mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para tumulong sa Military Police na dumakip kay Trillanes.

Ayon sa sources, si Trillanes ay aarestuhin sa oras na lumabas ito ng Senado kaya bantay sarado ang premises nito sa mga pulis at sundalo.

Sinabi ni Defense Secretary Arsenio Andolong na sa oras na mahuli si Trillanes ay agad itong iti-turnover sa kustodiya ng AFP kung saan handa na ang Custodial Center sa Camp Aguinaldo na pagkukulungan ng senador.

Sa naunang pahayag ng mga opisyal ng AFP, si Trillanes ay lilitisin sa court martial matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya laban dito kaugnay ng pagkakasangkot sa dalawang bigong kudeta sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with