^

Bansa

Kabuhayan ng jeepney drivers ‘wag i-‘phaseout’ - Sen. Bam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kabuhayan ng jeepney drivers �wag i-�phaseout� - Sen. Bam
Batay sa kanyang konsultasyon sa jeepney drivers at operators sa iba’t ibang lugar, nakatanggap si Sen. Bam ng reklamo ukol sa mahal na bayad para sa modernong jeepney.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Iginiit ni Sen. Bam Aquino na kung talagang seryoso ang pamahalaan na gawing modern ang public utility jeepneys (PUJs) sa bansa, ay dapat nitong gawing abot-kaya para sa operators ang mga modernong jeepney.

Batay sa kanyang konsultasyon sa jeepney drivers at operators sa iba’t ibang lugar, nakatanggap si Sen. Bam ng reklamo ukol sa mahal na bayad para sa modernong jeepney.

“Gustong mag-modernize at umasenso ng mga jeepney driver. Tulungan natin sila,” dagdag ni Sen. Bam.

Hinikayat din ni Sen. Bam ang transport officials na tingnan kung paano mapapababa ang interes at mapapahaba ang panahon ng pagbabayad upang ang bayad ay maging katumbas ng arawang boundary ng jeepney drivers. Sinuportahan naman ng iba’t ibang transport organizations ang panukala ni Sen. Bam.

“Suporta at hindi pahirap ang kailangan ng taumbayan, lalo na ang mga mahihirap na nalulunod na sa taas ng presyo ng petrolyo,” dagdag pa ni Sen. Bam.

Isinusulong ni Sen. Bam ang mabilis na implementasyon ng Pantawid Pasada Program at pagpapalawak nito sa iba pang uri ng transportasyon tulad ng tricycles at UV Express vans.

Naghain din siya ng Bawas Presyo Bill para i-roll-back at ipatigil ang excise tax sa petroleum products sa ilalim ng TRAIN Law.

vuukle comment

BAM AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with