Deputy Ombudsman Carandang sinibak ng Malacañang

MANILA, Philippines — Tuluyang sinibak ng Malacañang si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang dahil umano sa paglabag nito sa Anti-Graft Corrupt Practices Act at betrayal of public trust.
Kinumpirma kahapon ni Special Assistant to the President Bong Go na nilagdaan mismo ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagsibak kay Carandang.
Nauna rito, sinuspinde muna ng Palasyo si Carandang ng 90 araw noong Enero subalit hindi ito ipinatupad ng nagretirong Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa desisyon ng Korte Suprema na hindi puwedeng patawan ng kaparusahan ng tanggapan ng Pangulo ang mga deputy ombudsmen.
Sinuspinde ng Palasyo si Carandang noong Enero dahil sa paglabag nito sa confidentiality ng maglabas ng pahayag kaugnay sa bank investigation sa sinasabing tagong yaman ni Pangulong Duterte at kanyang pamilya noong panahon ng presidential campaign habang kandidato pa lamang si Duterte.
- Latest





















