^

Bansa

Media interview sa Senate plenary bawal na!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Media interview sa Senate plenary bawal na!
Bagaman at walang pormal na direktibang ipinalabas ang liderato ng Senado, ipinarating na lamang ang kautusan sa ilang piling mamamahayag upang ipasabi sa kanilang mga kasamahan.

MANILA, Philippines — Tuluyan nang pinagbawalan kahapon ang mga Senate reporters na mag-interview sa loob ng plenaryo ng Senado.

 Bagaman at walang pormal na direktibang ipinalabas ang liderato ng Senado, ipinarating na lamang ang kautusan sa ilang piling mamamahayag upang ipasabi sa kanilang mga kasamahan.

Ayon sa isang impormante, si Senator Loren Legarda ang nagmungkahi na bawalan na ang media na mag interview sa loob ng plenaryo bago magsimula ang sesyon.

 Nais umano ni Legarda na magkaroon naman ng pagkakataon ang mga senador na makapag-bonding bago ang pagsisimula ng sesyon sa halip na makipag-usap sa mga mamamahayag.

 Sinuportahan umano ng ibang kasamahang senador ang suhestiyon ni Legarda.

 Itinanggi ni Legarda na sa kanya nagmula ang suhestiyon na pagbawalan na ang interview sa pagsisimula ng sesyon sa loob ng plenaryo.

 Pero inamin naman ni Legarda na ipinanukala niyang bigyan ng isang lugar ang mga mamamahayag upang doon magsagawa ng interview. Dapat aniya ay mayroong maliwanag na ilaw sa nasabing kuwarto.

 Ito ang unang pagkakataon na pinagbawalan ang media na mag interview sa loob mismo ng session hall bago magsimula ang sesyon kung saan halos lahat ng mga senador ay magkakasama.

vuukle comment

LOREN LEGARDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with