^

Bansa

Payo ni Duterte na mag-retiro na si Pacquiao inayunan ng mga senador

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Payo ni Duterte na mag-retiro na  si Pacquiao inayunan ng mga senador
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, mas mabuti para kay Pacquiao na itinutu­ring niyang kaibigan at seat mate sa Senado, na magretiro habang siya ay pinapalakpakan pa.

MANILA, Philippines — Sinuportahan ng mga senador ang panawagan ni Pangulong Duterte kay Sen. Manny Pacquiao na magretiro na sa boxing matapos ang panalo kay Argentinian boxer Lucas Matthysse.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, mas mabuti para kay Pacquiao na itinutu­ring niyang kaibigan at seat mate sa Senado, na magretiro habang siya ay pinapalakpakan pa.

Ipinahiwatig ni Lacson na magiging malungkot at “tragic” kung magreretiro si Pacquiao kapag ito ay laos na o wala ng nais manood sa kanya.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na: “I’d like to see my friend rest on his laurels at this time and enjoy life.”

Para naman kay Sen. Sonny Angara, bagaman at si Pacquiao lamang ang maaring magdesisyon kung susundin ang payo ng Pangulo, pero dapat na rin aniyang ikonsidera ito.

Sabi ni Angara na posib­leng ayaw ng Pangulo na matulad si Pacquiao sa iba pang dating “great fighters” na napilitan na lamang magretiro dahil natalo sa huling laban.

Ayon naman kay Sen. JV Ejercito, isa ng legend si Pacquiao at wala na itong dapat pang patunayan.

Naniniwala rin si Sen. Nancy Binay na kung ang kasiyahan ni Pacquiao ay ang boxing, dapat ituloy niya ito pero kung hindi na siya masaya dapat na siyang magretiro.

Related video:

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with