^

Bansa

Trust, performance rating ni Digong humataw - Pulse Asia

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Trust, performance rating ni Digong humataw - Pulse Asia
Sa isinagawang survey nitong June 15-21 sa may 1,800 respondents, ?88 percent ang pabor sa performance ni Pangulong Duterte sa kabila ng mga pagbatikos dito ukol sa kanyang war on drugs.

MANILA, Philippines — Tumaas ang trust at performance rating ni Pangulong Duterte, ayon sa resulta ng survey ng Pulse Asia.

Sa isinagawang survey nitong June 15-21 sa may 1,800 respondents, ?88 percent ang pabor sa performance ni Pangulong Duterte sa kabila ng mga pagbatikos dito ukol sa kanyang war on drugs.

Nasa 87 percent naman ang trust rating ng Pangulo mula sa 79% noong March survey.

Ito na ang highest approval rating ni Duterte mula ng maupo sa puwesto, matapos ang 86% noong September 2016, base sa Pulse Asia Se­cond highest trust rating naman ito mula sa 91% noong July 2016.

Pinakamalaki ang iniangat niya sa National Capital Region na tumaas mula 27 points sa 83%. Samantala sa Mindanao ay nasa 99% na tumaas ng 10 points.

Ikinatuwa naman ng Malacañang ang resulta ng survey.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, patuloy lamang sa trabaho ang Pangulo upang makatulong sa pag­lago ng ekonomiya at maiangat ang kabuhayan ng bawat Filipino. 

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with